Karamihan sa Pinoy, lalo mga Pinay, MA-DRAMA.
Malimit nating maririnig ang mga bulalas na, " Mamatay ako! " o di kaya ay makabagbag damdaming " Magpapakamatay na lng ako! " - and its many variations.
" Mamamatay ako!"
- Pag namantsahan itong paborito kong damit
- Pag di ko nabili yun
- Pag kinikiliti ako ng boyfriend ko
- Pag nahuli kong nambababae bf ko
- Pag binasted niya 'ko
- Pag nahuli ko syang nanlalalake
" Magpapakamatay na lang ako! "
- Pag naputol paa ko ; kamay ko
- Kundi ka rin lang mapupunta sa akin
- Pag iniwan mo ako
- Kung magiging gulay na rin lang ako
- Pag di na natigas ang akin
- Etc. etc.
Patay agad?!
Hindi ba pwedeng magdadalamhati lang o nasaktan ng sobra sa nangyari?
Eksaherada... OA... Drama... Etchos. ....
Sagad sa buto, tagos sa lamang mga damdaming naghuhumiyaw man, PAG pinagisipan ng malalim, kasama ang puso, natatalos naman kalimitan ng pagkatao mong .., "...ay para pala akong sira... ay kaya ko pala!"
Ibang klase lahi natin eh.
Nakaka-ngiti kahit na nga tinamaan ng sunog, bagyo at baha. Sa gitna ng sakuna, umikot ka, lalo kung may dala kang kamera, may makikita kang nakatawa. Only in the Philippines nga eh.
Iba ang naturalesa natin - matapang; matibay; AC-DC; kahit saan itanim,tutubo; parang skyflakes,malutong kahit anong ipatong.
Tama. Eksaherada lang. Tao lng po, Pinoy pa!
Pero ang suma sa huli , KINAKAYA AT KAKAYANIN NATIN!
Patay, agad agad?
Hindi naman, pa-survive SURVIVE din pag may time.
true na true . . . ang Noypi kahit saan madaling maka-adjust
ReplyDeleteBongga talaga ang mga punchlines ng Pinoy as in wagas na wagas db.. isama pa ang mga eksena pag may libing, "hindi ko kaya mamamatay ako kaya isama m n ako" nung itulak sabay ahon ayaw nmn pla db bongga hahaha.
ReplyDelete